Wiki ng SpongeBob SquarePants
Advertisement

Si Squidward Quincy[3] Tentacles ay isang pangunahing karakter sa SpongeBob SquarePants.

Biograpiya[]

Si Squidward ay isang pugita na nasa kapitbahay sa Conch Street sa pagitan nina Patrick Star at SpongeBob SquarePants, na kinamumuhian niya ang kanilang mga kalokohan. Siya ay isang masugid na artista at tagapagtugtog ng klarineta. Siya ang nag-iisa na mamamayan sa Bikini Bottom na nakapasok sa sining at kultura, na siyang sanhi na pakiramdam niya ay isang tagalabas sa kanyang bayan. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang kahero sa Krusty Krab fast food restaurant.

Hitsura[]

Si Squidward ay isang asul na pugita na may mga lilang suction cup, dilaw na mga mata na pula sa gitna, at madilim na asul na tuldok sa tuktok ng kanyang ulo.

Nakasuot lang ng kayumangging polo si Squidward. Habang nagtatrabaho sa Krusty Krab, isinusuot niya ang sumbrero ng Krusty Krew. Sa gabi, nagsusuot siya ng isang rosas na pantulog na may katugmang pantulog na sumbrero.

Tribya[]

  • Si Squidward ay ang host ng "Astrology with Squidward" noong 2000 hanggang 2001. Dito, ang mga character ng SpongeBob ay kumakatawan sa 12 mga senyales ng zodiac.
  • Ang pangalan ni Squidward ay binubuo mula sa mga salitang "squid" o pusit, at "Edward".
  • Ang ilong niya ay lumalaki at lumiliit tuwing siya ay tumatawa.
  • Si Squidward ay claustrophobic (takot sa nakakulong na lugar), ayon sa "Wishing You Well."
  • Sa episode na "Professor Squidward", ang kanyang gitnang inisyal ay Q., habang sa bawat episode bago iyon, sinabi na J. Marahil ay mayroong dalawang gitnang pangalan at mas gusto niya ang kanyang gitnang pangalan na Q.
  • Ang unang episode na wala si Squidward ay ang "Tea at the Treedome."
  • Sa "Just One Bite", sinabi niyang wala siyang kaluluwa. At sa "No Hat for Pat", sinabi niya na kinamumuhian niya ang lahat.
  • Ang (dating) paboritong lungsod ni Squidward na ang Tentacle Acres ay nagtitinda ng Canned Bread na ikinagulat niya.

Mga reprensya[]

  1. "Lost and Found"
  2. "Band Geeks"
  3. "Professor Squidward" at The Book of Silly Stuff
Advertisement